top of page

Huling Labas ng Encantadia (2016)

Napili kong suriin ang huling labas ng Encantadia sa telebisyon noong ika-27 ng Nobyembre, 2017. Bukod sa nalagom nito ang kabuoan ng salaysay, ito rin ang pinakapinanood na episodyo sa YouTube. Dito mapapanood ang pagkatalo ng mga Hathor at Etherian, pati na ng masamang Bathalumang Ether. Pinakita rin dito ang pagbuo ng pamilya ng mga Sang’gre, at muling pagbaba ng mga nangamatay galing Devas, ang kanilang langit.

TAGPUAN NG DALAWANG MUNDO
Encantadia at Ang Pagsasapiksyon ng Reyalidad 

encantadia-logo-png-2.png
tumblr_ofwu6zWES61v9493yo1_540.gif

       Tagpuan ng Dalawang Mundo. Ang Encantadia, kahit piksyonal, ay may direktang koneksiyon sa reyalidad. Ang ganitong pagsasapiksyon ng katotohanan ay kakambal ng ating mga tradisyonal na epiko. Ang pinagkaiba lang, ang Encantadia ay epikong ‘di-pasalita, kundi ipinalabas sa telebisyon upang mas maabot ng masa.

        Dinalumat ni Sekito ang Encantadia sa lente ng pagiging epiko nito (2020). Maraming elemento ang fantaseryeng ito na nahahawig sa ating mga tradisyonal na epiko. Bagaman nahahawig, ang mga ito rin ay binuwag at binuong muli upang epektibong sumalamin sa makabagong lipunan. Kumbaga, inampon ang epiko at binihisan ng bagong damit. Ang mga binagong elementong ito ay estetikang magagamit upang dalumatin ang kasaysayan nang ipalabas ang Encantadia, ayon na rin kay Mojares. Nakapagtala ako ng lima (5).

        Hindi mawawala ang mga kuwento ng pagkatalo at pagwawagi sa mga epiko. Maaaring ang agawan ay nag-ugat sa inggit, pag-ibig, galit, o sa kaso ng Encantadia, kapangyarihan. Ang mga bakbakan sa tradisyonal na epiko tulad ng sa Biag ni Lam-ang ay nag-ugat lamang sa mga pansariling interes gaya ng pag-ibig, inggit, at galit, o ‘di kaya’y materyalistiko gaya ng agawan sa teritoryo o sakop.

 

          Mababakas na ang kasalukuyan nating bersiyon nito ay umangat na sa buong nasyong may malay sa tunggalian para sa mga abstraksiyon. Sa Encantadia, masyadong mababaw kung susuriin natin ang mga tunggalian sa mga digmaang naganap dahil simple lamang ang sagot dito: may agawan sa kapangyarihan. Mas mainam suriin ang kapangyarihan mismo. Sentido kumon na ang nagwagi sa digmaan sa serye ay ang panig na may mas maraming brilyante, tauhan, o ‘di kaya’y inalalayan ng kanilang bathala. Ito ang tinutukoy kong mga abstraksiyon sa kasalukuyang lipunan – impluwensiya, karapatan, edukasyon, pera, tauhan, koneksiyon, at iba pa – na magpapanalo o magpapaangat sa iyo sa lipunan. Hindi na ito pili, pansarili, o pang-iilan lamang, ngunit nasangkot na nga ang buong lipunan. Kumbaga, walang bida sa drama na ito dahil ikaw at ako mismo ay magkalaban sa tunggaliang ito. Kaya mapapatanong ka na lang: kapuwa ba talaga ang katunggali, o ang mga abstraksiyon mismo?

      Sa ganitong mga tunggalian din umiinog ang karamihan sa mga kanta ni Gloc-9. Sinuri ni Demeterio ang ilan sa mga kanta ng naturang rapper at nagbanggit siya ng limang tema: korapsiyon at politika, pagkamakabayan, kahirapan at buhay-manggagawa, krimen at kaguluhan, at homopobya (2013). Halimbawa na lamang ang klasikong sulat niyang Upuan na inilabas noong 2011. Makikita rito ang tunggalian para sa yaman (mula sa linyang “Pero kulang na kulang parin; Ulam na tuyo't asin; Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin”), impluwensiya at kapangyarihan (mula sa linyang “Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan; Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan; Kaya naman hindi niya pinakakawalan”), at pribilehiyo (mula sa linyang “Kayo po na naka upo; Subukan nyo namang tumayo; At baka matanaw, at baka matanaw na nyo; Ang tunay na kalagayan ko”).

    

​Pinalawak na Malay sa mga ‘Tunggalian’

Pinalawak na Malay sa mga ‘Tunggalian’

encantadia.gif
BaggyThirdChicken-size_restricted.gif

Dakilang-Bathala Tungong 'Dinadakilang' Relihiyon

Dakilang-Bathala Tungong 'Dinadakilang' Relihiyon

       Magkakabit na ang kamatayan at muling pagkabuhay sa mga epiko, lalong-lalo na kung protagonista ka. Halimbawa na lamang ang epiko ng Maguindanao na Indarapatra at Sulayman, na kung saan binuhay ni Indarapatra ang kapatid sa pamamagitan ng literal na ‘tubig at dasal’ (Clark, 2021). Sa mga tradisyonal na epiko, ang mga diyos, diyosa, anito, at diwata ay tila hindi maabot at hindi kaisa ng tao. Lagi silang dakila; wala pang epikong ang ugat ng tunggalian ay magkaibang pagsamba. Para silang megastar pero cameo roles lang ang ginagampanan.

 

          Ngunit nang ipakilala sa atin ang konsepto ng relihiyon na may tiyak na mga doktrina, sulatin, sakramento at iba pa, nag-iba ang simoy ng hangin – nagkaroon ng mga panig. Magandang halimbawa ang pagtatanghal na Moro-Moro, na may tunggaliang nag-ugat hindi dahil sa magkaibang pagsamba ngunit dahil sa magkaibang doktrina ng magkaibang relihiyon, partikular ng Islam at Katolisismo (The Editors of Encyclopaedia Britannica, 2020).

 

              Ganito rin ang naganap sa Encantadia. Ang mga sumasamba kay Bathalang Emre ay salungat sa mga pumapanig kina Bathalumang Ether at Bathalang Arde. Nagkaroon ng siklo ng mga digmaan dahil liban sa agawan sa kapangyarihan, magkaiba rin ang kanilang ‘relihiyon’.

 

           Sa kasalukuyan, sa sobrang kapit natin sa mga doktrina ng relihiyon, naitawid na natin ito pati sa politika. Ang ilang mga Katolikong grupo tulad ng Iglesia ni Cristo at Jesus is Lord (JIL) ay may malawak na impluwensiya sa kanilang mga tagasunod kung sino ang iboboto, na anila’y aayon sa kagustuhan ng Diyos (Esmaquel, 2015). Ang mga turo rin ng relihiyon ang may impluwensiya sa ating panig sa mga sensitibong usapin tulad ng Reproductive Health Bill, SOGIE Bill, at marami pang iba. Kahit sa pag-ibig, sikat na sikat ngayon ang meme na ito ng bawal na pagmamahalan ng isang Katoliko at isang Iglesia ni Kristo.

 

         Bilang lagom, ang paglalahad ng dakilang bathala sa mga tradisyonal na epiko ay nandoon pa rin. Sila pa rin ay kataas-taasan at may kontrol sa halos lahat ng bagay. Ngunit, dahil sa konsepto ng relihiyon na may mga nagbabanggaang doktrina, naging bahagi tuloy sila ng mismong tunggalian ng mga tao – sa modernong epiko man ng Encantadia o sa totoong buhay. Hindi na diyos ang dinadakila kundi ang doktrina ng relihiyon. Dagdag pa, ang paraan ng pagdadakila ay hindi na lamang sa mga rituwal o dasal, kundi paninigurong ang doktrina ng relihiyon mo (hindi na diyos) ang dadakilain ng lahat – kahit makapanakit pa ng iba.

Comedia-moro-moro-folk-drama-battles-Christians-Muslim.jpg
Gfh.JPG.jpg
105379854_964224414029236_8400456025885184408_n.jpg

Kakaibang Pagbabathala

Kakaibang Pagbabathala

            ‘Mahabaging Emre’ ang laging sambit ng mga diwatang Encantado tuwing may nagbabadyang sigalot. Kaparis ito ng ekspresyon natin na “Diyos ko!” sa tuwing nahaharap sa problema. Isa pang halimbawa ang sikat na kantang Pare Ko ng Eraserheads na may mga linyang “O, Diyos ko; Ano ba naman ito; 'Di ba tang ina nagmukha akong tanga.” 

            Depende sa konteksto, kadalasan, may tono ito ng pagdududa sa kadakilaan ng Diyos, o minsan ay kagyatang paninisi tulad ng sa kantang ito. Kahit anong tindi pa ng dasal, minsan nararamdaman natin na wala itong patutunguhan; na pati Diyos ay hindi PA ito maaayos AGAD kaya kailangan mo lang MAGPATULOY – ‘yan ang limitasyong itinanghal ng Encantadia. 

        Sa mitolohiyang Pilipino, dalawa ang kayang ibigay ng mga diyos at diyosa: dagok o biyaya. Halimbawa, si Ikapati ang tagapagbigay ng saganang agrikultura. Sa kabilang banda, nariyan din si Amanikable na nagpakawala ng mga nanlalamong alon galing sa dagat bilang parusa sa mga tao (Clark, 2016). Kaya nilang gawin kahit ano; mga dakilang lubos kaya nasa kamay nila ang tadhana. Kaya nilang puksain o buoin ang sanlibutan sa isang pitik lamang.

 

     Ngunit sa Encantadia, nagkaroon ng reimahinasyon: hindi nila hawak ang buong tadhana. Halimbawa, sa mata ni Bathalang Emre, hindi niya ginustong magkaroon ng digmaan sa Encantadia – wala ito sa kalendaryo niya. Nagkaroon pa nga ng pagkakataong naging ordinaryong Encantado si Emre dahil sa kagagawan nina Bathalumang Ether at Bathalang Arde. Ngunit sa huli rin naman, nadaig din ni Emre ang dalawa. Mahihinuha na may kahinaan ang mga bathala sa modernong epikong Encantadia.

lagot_kay_hagorn1475901826_p.png

            Kumbaga, tayo ang mga panabla sa larong chess. Sa mga tradisyonal na epiko, ang mga diyos ay tila chess masters na alam na ang susunod na galaw ng kalaban. Sa Encantadia at sa tunay na buhay naman, ang laro ay gulatan kaya sasabay ka na lang sa daloy.

            Bunga ng kawalang-kasiguraduhang ito ang mas pinagtibay na pananalig sa ating dinadakila. Masyado tayong maliit kompara sa tadhana. Ang mga diyos ang ginagawa nating panabla dahil mas may laban sila. Ani nga ng sikolohistang si Freud, repleksiyon ito ng relihiyon bilang mekanismong pandepensa sa kadiliman ng reyalidad (Beck, 2004). 

            Dito nga nagmula ang ekspresyon nating "Bahala na," na ani Reyes, ay pagharap sa kawalang-kasiguraduhan nang may lakas-ng-loob (2015). Sa mundong itong puno ng tunggalian, karera, at pagmamadali, mapapasabi ka na lang talaga ng "Bahala na" sa tuwing iisipin ang kinabukasan. 

Ang mga diyos sa mitolohiyang Tagalog. (Source: The Aswang Project)
x1080.jpg

Pagyakap sa Wika ng Kabataan

Pagyakap sa Wika ng Kabataan

          Ang Encantadia 2005, katulad ng mga tradisyonal na epiko, ay nasa katutubong wika ng rehiyon, na sa kaso ng Encantadia ay Tagalog at Enchanta. Ngunit sa Encantadia 2016, gumamit ng modernong wika: Taglish at mga balbal. Mapapansing sina Lira, Mira, at Paopao, bilang galing sa mundo ng mga tao, ay gumamit ng wika nating mga Generation-Z at Millennials.

 

     Makikita rito ang ebolusyon ng wika mula sa pagiging sarado patungong mapagyakap. Maliban sa katotohanang ang edukasyon sa bansa ay multilingguwal (MTB-MLE o mother tongue-based, multilingual education), ang ganitong wika ng kabataan ay panangga rin sa monolingguwalismo at globalisasyon. Marahil ikakatuwiran ng iba na produkto ito at hindi panangga sa globalisasyon. Dahil sa pagka-politikal ng wika, ang wika lamang ng mga makapangyarihan ang mananaig (Bautista, 2004). Napakamapagyakap ng mga Pilipino sa ibang lahi; kolonyal na mentalidad ika nga. Ang inobasyon ng Taglish at balbal ay nagpapanatili ng identidad ng Filipino – hindi naman kasi ito purong Ingles. Nakatutuklas pa nga tayo ng mga salin o panumbas sa mga salitang Ingles na nagpapayaman pa lalo sa ating wika. Dagdag pa, natutulungan din tayo nitong makasabay sa globalisasyon dahil ang multinasyonal transaksiyon sa kasalukuyan ay karaniwang nasa Ingles.

 

        Maliban sa mga kaswal na usapan, madalas ding gamitin ang Taglish at balbal sa industriya ng Pinoy rap. Pakinggan ang kantang King Inang Bayan ni Abra na kapanahunan ng Encantadia (2016) at pansinin ang makabagong wikang inampon nito. Isa pang kantang nagpapakita ng multilinnguwalismo ay ang kanta ni Ez Mil na Panalo kung saan gumamit siya ng Tagalog, Ingles, Taglish, at Ilokano. 

         

          Sa Encantadia, hindi rin itinaboy ang makabagong wika nina Lira, bagkus, pinilit pa nga nila itong alamin. Ipinakikita nito ang kasalukuyang relatibismo sa wika: walang pagmamataas. Ika nga sa Twitter, 'wag kang feeling entitled at superior kasi baka ma-cancel ka!

Abante Babae...At Lalaki...At Lahat ng Nasa Pagitan

Abante Babae...At Lalaki...At Lahat ng Nasa Pagitan

          Sa pre-kolonyal na Pilipinas, babae ang namuno sa espirituwal na aspekto bilang mga babaylan o katalonan, habang lalaki naman ang sa politika bilang mga datu. Pantay lamang sila. Sa kabilang banda, dahil ang mga epiko ay awit ng mga kabayanihan, at lalaki nga ang namamahala sa politika ng digmaan, lalaki rin ang karaniwang bida sa kuwento. Ngunit ani Jose, may mga mahalagang gampanin pa rin ang kababaihan sa epikong Pilipino (2012).

       Una, bilang ina. Sa epikong Hudhud hi Aliguyon mula sa Ifugao, ang ina ni Aliguyon na si Dangunay ang nagsilbing rason upang matigil ang digmaan. Lumabas tuloy na mas may awtoridad pa siya kaysa sa datu, dahil siyempre, ina siya ng pinuno. Ikalawa, bilang asawa. Sa mga epiko, ang pagpapakasal ng mga babae sa kabilang tribo ay tanda ng pagkakaisa. Ikatlo, bilang diwata. Maliban kay Maria Makiling, maraming mga diyosa at diwata pa sa epiko at mitolohiyang Pilipino tulad nina Nagmalitong Yawa at Alunsina mula sa epikong Bisaya na Epiko ni Labaw Donggon. Panghuli, sila rin ay mga mandirigma. Sa epiko ng Mindanao na Epiko ng Nalandangan: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin, si Matabagka ang babaeng bida na lumaban sa kalaban ng kanilang kaharian.

         Ngunit hindi naman basta-basta magiging bida ang babae sa isang epiko. Kung gayon, paano naganap ang transisyon? Sa simula ng kuwento, dapat palaging may lalaking nanghina, napaslang, o 'di pa kayang magpakabayani. Halimbawa, si Matabagka ay nagpakabayani dahil ang kapatid niyang si Datu Agyu ay walang lakas ng loob upang harapin ang kalaban ng kaharian. Sa isa pang epiko-serye ng GMA na Amaya, si Amaya ay naging pinuno at mandirigma upang ipaghiganti ang napaslang niyang ama na si Datu Bugna (IMDb, 2011). Mula sa pagiging pinagmumulan ng lakas ng kalalakihan (sa pag-ibig, suporta, at iba pa), sila na mismo ang naging lakas ng kalalakihan sa tuwing hindi nila magampanan ang tungkulin.

 

         Kung gayon, masasabi nating ang mga Sang’gre ay reimahinasyon at re-presentasyon ng kababaihan sa mga epiko: isang lider, ina, asawa, diwata, mandirigma, at bayani. Ang naratibo ay binaligtad: babae na ang nagbibigay-kahulugan sa katauhan ng mga lalaki (Sekito, 2020). Ang kahulugan kasi ng kabayanihan sa mga epiko ay dapat may napaslang ka o 'di kaya'y makapangyarihan. Imbis na habambuhay isantabi ang kababaihan bilang bayani, nagkaroon tuloy ng pag-aangkop ang ating mga epiko upang ipakita na ang babae ay hindi imperyor.

        Sa kasalukuyang panahon, tinatanaw ang women empowerment bilang muling pagsilang ng kababaihan – mas dinig, mas malakas, at hindi sunod-sunuran (Santiago, 2018). Hindi na bago ang konseptong ito dahil nagkaroon na tayo ng maraming babaeng lider, ngunit ang punto ay, ‘di pa tapos ang laban.

 

       Ilan pa sa patunay nito ay ang maraming kanta ng Amerikanong mang-aawit na si Beyonce. Ilan sa mga ito ay ang Single Ladies (Put a Ring on It) (2008), If I Were A Boy (2008), Run the World (Girls) (2011), at Flawless (2014).

       Interesante rin ang pagbasag ng stereotype sa seryeng ito, partikular ang pagganap ni Paopao bilang isang Sang’gre – bagay na antemano'y ikinabit na natin sa mga babaeng Encantada. Makikita rin na ang anak ni Alena na si Adamus, ay lalaki na nakatakda ring maging Sang’gre.

babaylan.jpg
ETpCzrEU4AAwLJq.jpg

       Kasagsagan ng 2010s nagsimulang umusbong ang usapin ng ingklusyon, partikular sa karapatan ng mga LGBTQ+ sa bansa. Nagsimula ito sa Anti-Discrimination bill ni Queen Miriam Defensor-Santiago na hindi naipasa noong 2000. Muling umapela sa Kongreso si Geraldine Roman noong 2016 para igulong muli ang SOGIE Bill na baka mapudpod na nga sa kagugulong katagalan (De La Cruz, 2019).

          Sa kabuoan, nais ipahiwatig ng Encantadia (2016) na maging bukas ang isip at puso dahil ang mundo ay puno ng mga posibilidad - ang pagbabago ay iiral magpakailanman. Kung ang bida nga sa epiko na kadalasa'y lalaki ay napalitan ng babae, baka maganap pa ito sa ibang mga gawang panitikan. Pumapatok na nga ngayon ang bagong genre ng mga serye at pelikulang romantiko (na kadalasa'y babae sa lalaki lamang) na Boys' Love o BL. Hindi naman kailangang tangkilikin, ngunit kailangan lang tanggapin at galangin. 

Beyoncé - Single Ladies (Put a Ring on It) (Video Version)
03:21

Beyoncé - Single Ladies (Put a Ring on It) (Video Version)

Beyoncé's official video for 'Single Ladies (Put a Ring on It)'. Click to listen to Beyoncé on Spotify: http://smarturl.it/BeyonceSpot?IQid=B... As featured on I Am... Sasha Fierce. Click to buy the track or album via iTunes: http://smarturl.it/BeyIASFiTunes?IQid... Google Play: http://smarturl.it/BeySLplay?IQid=BeySL Amazon: http://smarturl.it/BeyIASFamz?IQid=BeySL More from Beyoncé Love On Top: https://youtu.be/Ob7vObnFUJc Dance For You: https://youtu.be/PGc9n6BiWXA Naughty Girl: https://youtu.be/RZuJ_OHBN78 Follow Beyoncé Website: http://www.beyonce.com/ Facebook: https://www.facebook.com/beyonce Twitter: https://twitter.com/beyonce Instagram: https://instagram.com/beyonce/ Subscribe to Beyoncé on YouTube: http://smarturl.it/BeyonceSub?IQid=BeySL More great Global Hits videos here: http://smarturl.it/GlobalHits?IQid=BeySL --------- Lyrics: All the single ladies (All the single ladies) All the single ladies (All the single ladies) All the single ladies (All the single ladies) All the single ladies Now put your hands up Up in the club, we just broke up I'm doing my own little thing You decided to dip but now you wanna trip Cause another brother noticed me I'm up on him, he up on me don't pay him any attention Cause I cried my tears, for three good years Ya can't be mad at me Cause if you liked it then you should have put a ring on it If you liked it then you should've put a ring on it Don't be mad once you see that he want it If you liked it then you should've put a ring on it
bottom of page