epiKOOL
MAKASAYSAYANG SARILI
Ako at Ang Encantadia
Ang Dakilang Elemento
Dahil pang-araw-araw ang kasaysayan, ang bawat galaw natin ay may dahilan. Ang Encantadia, bilang isang kulturang popular na tinangkilik ko simula pagkabata, ay may mahalagang papel sa aking kasalukuyan.
​
Ang pamagat ng blog na ito ay Dakilang Elemento. Ang elemento, sa pangkalahatan nitong kahulugan, ay sangkap ng isang kabuoan. Sa kemistri, mayroong 118; sa Encantadia mayroong apat; sa panitikan, dumedepende pa sa genre. Ngunit isang dakilang elemento ang nagbubuklod sa mga ito: ang apinidad na maging isa. Sa bawat pag-iisang ito, nakabubuo ng panibagong elemento.
Tandaang hindi kailangang magkaroon ng balanse o may manaig; kailangan lang maging isa. Halimbawa, ang pag-ibig ay binuo ng kilig, saya, at tampuhan. Ang dalawang magkaaway ay idinugtong ng galit. Ang Encantadia ay nagbigay-tulay sa tradisyonal at kontemporaneo; sa piksiyon at reyalidad.
​
Kaya, naging isa na rin ako sa Encantadia. Hindi ko batid na ang pagkagalit ko kay Pirena, Hagorn, Ether, at mga Hathor ay magiging simula pala ng galit ko sa mga ganid sa kapangyarihan. Ang pagbanggit ko ng "Mahabaging Emre!" ay karugtong pala ng pananalig ko sa Diyos at pagtanggap na ako ay tuldok lamang sa uniberso. Ang paghanga ko kina Amihan, Danaya, at Pirena ay ugat pala ng mga pamantayan ko sa isang lider.
​
Masasabi ko ring ako ay isa ngunit marami: binuo ako ng maraming elemento at isa na rito ang mga aral ng Encantadia. Ito ang kagandahan ng kasaysayan ng sarili: makulay at walang katulad kapag pinagsama-sama.
​
Kung may tataliwas naman sa paniniwala mo, laging isipin na walang dakila o superyor sa inyong dalawa. Kailangan mong maging mapagyakap at bukas. Magkakaiba kasi tayo ng mga pinagdaanan, ngunit sabi ko nga, kailangan pa rin natin itong pag-isahin. Mahirap pero kailangan nating simulan sa paggalang at pag-unawa sa kasaysayan ng bawat isa - baka may matutunan pa nga tayo sa kanila.
Avisala eshma!
Hanggang sa muli!
Sanggunian
Bautista, M. L. (2004). Tagalog-English code switching as a mode of discourse. Asia Pacific Education Review, 5(2), 226-233. https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ720543.pdf
​
Beck, R. (2004). The function of religious belief: Defensive versus existential religion. Journal of Psychology and Christianity, 23(1), 208-218. https://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download?doi=10.1.1.548.1204&rep=rep1&type=pdf
Britannica, The Editors of Encyclopaedia. (2020, June 18). Moro-moro. Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/art/moro-moro. Accessed 18 September 2021.
Clark, J. (2016, February 5). Tagalog deities in Philippine mythology. The Aswang Project. https://www.aswangproject.com/tagalog-deities-in-philippine-mythology/
Clark, J. (2021, July 27). INDARAPATRA AND SULAYMAN, summary of the Maguindanao story. The Aswang Project. https://www.aswangproject.com/indarapatra-and-sulayman/
De La Cruz, C. (2019, September 19). 10 common misconceptions about the SOGIE equality bill. Spot PH. https://www.spot.ph/newsfeatures/the-latest-news-features/79054/sogie-equality-bill-misconceptions-a833-20190919-lfrm
Demeterio, F. P. (2013). Isang semyolohikal na pagsusuri sa mga kontradiksiyong nakapaloob sa panlipunang kritisismo ni Gloc-9. MALAY, 26(1), 17-35.
Esmaquel, P. (2015, September 15). Catholic, evangelical groups to back 2016 bets. Rappler. https://www.rappler.com/nation/elections/catholic-evangelical-groups-endorse-candidates
IMDb. (2011). Amaya. IMDb. https://www.imdb.com/title/tt1849249/plotsummary?ref_=tt_ov_pl
Jose, M. D. (2012). Imahen ng kababaihan sa mga piling epikong Filipino. Dalumat Ejournal, 3(2). https://ejournals.ph/article.php?id=6221
Reyes, J. (2015). Loób and Kapwa: An introduction to a Filipino virtue ethics. Asian Philosophy, 25(2), 148–171. doi:10.1080/09552367.2015.1043173
Santiago, L. (2018). Rebirthing Babaye: The women's movement in the Philippines. Sa Amrita Basu (Ed.). Challenge of local feminisms: women's movements in global perspective (pp. 110-128). Colorado: Westview Press.
Sekito, R. E. (2020). Tracing the epic tradition in the fantaserye: GMA 7's "Encantadia" as an epic. Acuity: Journal of English Language Pedagogy, Literature and Culture, 5(1), 67-84. doi:10.35974/acuity.v5i1.2165