top of page
CmW6WPxUIAAkT9b.jpg

Tinangkilik ko nang lubos ang fantaseryeng ito ng GMA. Gabi-gabi kong inaabangan ang bawat labas; nakikipag-agawan pa nga ako ng estasyon dahil basketbol ang nasa TV5. Alam mo na, mahirap kalaban ang tatay na may malaki-laking pusta sa Ginebra. Pinilit ko ring kabisaduhin ang bawat tauhan, kapangyarihan, kanta, at siyempre, ang wika nilang Enchanta. Sa katunayan, saulado ko pa rin ang awit ng Lireo na Ivo, at awit ng Etheria na Hade. Tunog nga lang nagtatawag ng demonyo kahit hindi naman talaga.

ENCANTADIK AKO!
Mga Patunay ng Pagtangkilik ko sa Encantadia

encantadia-logo-png-4.png

     Nagawa ko na ring magbihis bilang Sang’gre. Nagkaroon kasi ng padyent sa paaralan noong Buwan ng Wika 2017, at pinili kong gayahin si Sang’gre Danaya. Pinili ko siya dahil sa isang rason: mura lang ang alok ni Mother Alvin! Tatlong libo lang yata ang nagastos ni Mama rito – may hair and makeup pa! Pero puwera biro, pinili ko si Danaya dahil sa kaniyang katapangan at paninindigan - mga katangiang sa tingin ko'y bibihira. Suriin ang kalooban: tinataglay mo ba ang mga ito?

Pirena_WT.png

    Nito namang ikalabindalawang baitang, ginaya ko si Sang’gre Pirena para sa asignaturang 21st Century Literature from the Philippines and the World. Hindi ko pa rin wari kung kasama ba talaga sa MELCS o most essential learning competencies ang gawaing ito pero bahala na – dapat kasi may silabus din sa mataas na paaralan!

 

     Kahit na kinainisan ng marami dahil sa pagtataksil sa mga diwata at damdaming laging nag-aapoy sa galit, pinili ko siya dahil sa KASAYSAYAN kung bakit siya naging ganoon, bagay na palaging ipinagkikibit-balikat ng marami. Baka kailangan lang niyang magbakasyon sandali sa Baguio, magpahupa ng damdamin, at mag-imbita ng kaibigan, ‘di kaya, Paolo? Charot!

bottom of page