epiKOOL
Mula sa anekdotang iyon, masisilip ang batang Nikko na may pagkahumaling sa mahikang hatid ng Encantadia, na unang umere noong 2005. Kaya, hindi na rin kataka-takang tinangkilik ko ang muling pagsasalaysay nito sa GMA noong 2016. Lalo pang nagtatatalon ang aking puso nang malamang ang orihinal nitong direktor na si Direk Mark Reyes pa rin ang mangangasiwa sa produksiyon.
Ang Encantadia (2016) ay uminog sa kuwento ng apat na kaharian: Lireo, Sapiro, Hathoria, at Adamya. Sentro ng kuwento ang apat na magkakapatid na Sang’gre: Amihan, Alena, Pirena, at Danaya. Pangunahing suliranin sa fantaserye ang pag-aagawan sa paghahari ng Encantadia, at ng limang brilyante: hangin, tubig, apoy, lupa, at diwa. Ilang beses susubukin ang katapatan, katapangan, lakas, at puso ng mga tauhan hanggang makamit ang inaasam na kapayapaan.